Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, February 3, 2022:
-OCTA Research: COVID-19 average daily attack rate sa Batangas, Quezon, at Rizal, nasa moderate na
-Denmark, binawi na ang mga COVID-19 restriction/Pagpunta ng Pilipinas sa COVID endemic approach, pinaghahandaan ng gobyerno/Gasolinahan at toll plazas, pinag-iisipang lagyan ng vaccination site sa Pebrero/Sec. Concepcion: Booster card, dapat na ring i-require para makapasok sa mga establisimyento sa NCR/WHO: maaga pa para magluwag sa restrictions at ideklarang tagumpay ang paglaban sa COVID
-Presyo ng ilang klase ng isda, bumaba dahil sa pagdami ng supply nang magtapos ang closed fishing season
-4 na suspek, arestado dahil sa pag-iingat ng mga pekeng US dollar at P1,000 bills
-“Kasimbayanan” o kapulisan, simbahan at pamayanan, inilunsad para bigyang daan ang pagkakaisa ng iba’t-ibang sector
-Tatlong commissioner ng Comelec, nagretiro na/Mga nagretirong commissioner, tiniyak na nagkakaisa sila na pangalagaan ang integridad ng COMELEC sa gitna ng mga isyu
-26 na menor de edad na lumabag sa 10PM-4AM curfew, pinagdadampot
-Mga posibleng paglabag sa batas ni PRRD kaugnay sa Pharmally deal, idinetalye ni Sen. Gordon/Sen. Gordon: Wala nang oras para magsulong ng impeachment laban kay PRRD dahil matatapos na ang sesyon ng Kongreso
-Tanong sa mga manonood
-Weather update
-Samantha Panlilio, umaming dumaan sa depression matapos sumali sa Miss Grand International/Miss Universe 2018 Catriona Gray at SB19, hinikayat ang mga pinoy na makilahok sa selebrasyon ng National Arts month
-780,000 doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa mga edad 5-11 simula bukas, inaasahang darating ngayong gabi
-"Progressive expansion" phase ng face-to-face classes sa pribado at pampublikong paaralan, pinasisimulan na ng DepEd ngayong Pebrero/Pagbabalik ng face-to-face classes sa NCR, nakatakda sa Feb. 9, 2022
-Gabbi Garcia at Khalil Ramos, looking forward sa kanilang upcoming projects
-Road closure advisory
-Gabundok na basurang nakatambak sa Quezon Medical Center SA Lucena city mula huling quarter ng 2021, ngayong linggo inaasahang mahahakot/WHO: banta sa kalusugan ng tao at kalikasan ang tone-toneladang medical waste na ginamit sa paglaban sa COVID-19 pandemic
-Park Bo Gum, nakakuha ng barber's license habang nag-se-serve bilang naval sergeant
-Job opening
-Panayam kay Dr. Mary Ann Bunyi
-Batang 2 taong gulang, inoperahan matapos makalunok ng pisong barya
-Sheena Halili, tinawag na 'bebe' si BTS member V
-Bagong parke sa Valenzuela, pinasinayaan
-Tangkang pagnanakaw ng isang lalaki, nabulilyaso matapos mapigilan ng 2 aso